^_^ IRIS : STRIPPED & NAKED ^_^
Naks! Ikaw ah, anung nasa isip mo? Gusto mo bang malaman ang mga sikreto ng buhay ko? Lahat lahat lahat nandito mula nung nagka utak ako hanggang sa mga oras na ’to. Lahat ng tungkol sa buhay ko gusto kong isulat para pag matanda na ‘ko maaalala ko pa ‘toh. Gusto ko ring mag share sa’yo ng mga bagay na alam kong wala pang nakakaalam tungkol sa’kin at alam kong kahit kelan e hindi ko naikwento kahit kanino. Malalaman mo ang hubad na katotohanan. Ü
Hoxa sana matapos mong basahin ‘to, dalawang araw akong pinag-isip ng entry kong ‘to. Alam ko pagkatapos mo ‘tong basahin mas makikilala mo pa ‘kong mabuti. Sana magcomment ka, kahit anu lang, kung nag-iba ba ung tingin mo sa’kin, kung ayaw mo na ba ‘kong maging kaibigan dahil nabasa mo ‘to, kung itinatakwil mo na ba ‘ko, kung na-in love ka sa’kin dahil sa mga nalaman mo, kung hindi ka sang-ayon sa mga naisulat ko, kung sa tingin e pawing kasinunglingan ang lahat ng ito, go ka lang, kahit anu para at least hindi mo lang ako pinagtawanan habang binabasa mo ‘to.
Hmmm.. pano ba ‘ko magsisimula? Eto mabigat na kagad. Ako ay isang adik. Matagal kong inilihim un dahil ayokong mag-alala ang mga magulang ko sa’kin. Adik ako—sa pagkain. Mula nang ma-expose ako sa iba’t ibang pagkaing naimbento eh naging hilig ko na ang kumain, kumain at kumain din. Super madami akong favorite na pagkain promise, mula sa fishball ni manong sa kanto hanggang sa Chicken Vesuvio ng Sbarro. Ito ung ilan sa mga gusto kong kainin lalo na pag kasama ko ang barkada ko at pamilya ko: Tuna Tekamaki with Wasabi at Red iced tea ng Tokyo Tokyo (yumyum!), Lucky Me pancit canton with magi savor at maraming chili powder, ung super asim na Indian mango with bagoong!,Sampaloc ng Goldilock’s o kaya ung tigpipiso sa tindahan basta with iodized salt, itlog na pula na may halong sardinas, Butter Coconut ng Monde na tig e-eight pesos (adik kami dun ni Janina!), Kalderetang kambing?(hmmm…), Boy Bawang, Sinigang na baboy, Adobo, Chocnut,
Lapid’s Chicharon with suka (adik kame dito ng tatay ko..Ü), Super Taro or Honey Melon Dew ng Quickly, flat fishballs at kwek kwek, chocolate flavored Oishi Manju, Vanilla Sundae at ketchup ng Mcdo, Coffee jelly ng Jollibee, Garden Fresh Salad ng Wendy’s, siomai ni Ma’am Vidal, Hot Chocolate at Mocha Frappe ng Starbuko, Onion Rings with sourcream dip ng Don Henrico’s, halohalo sa may kanto, Fita with Cheesewhiz, Baked Ziti with Meat Sauce ng Sbarro, Milo powder na pinatakan ng konting tubig, yogurt 0% Calories (biglang na-conscious?), Japanese Mayo at Romanian lettuce, CARROT-plus-any-fruit shake ng Big Chill, Cloud 9 at Chewy Toffee, Putobumbong ng SM Hypermart, Pepperoni Overload ng Greenwich, Sipa at Stuffed Tofu ng Wok Inn (kung hindi ninyo alam yan, meron niyan sa harap ng Malate Church, dun kasi kame kumakain pag nagsisimba kame sa Malate Church, u gotta try that!), Cajun Rice at Mashed Potato ng Popeye’s, Tapsilog ni Aling Cely, Chicken Sisig ng Momo’s, Kamote fries at gravy ng KFC, Crème Brulee ng Zagu, Black Forest ng Red Ribbon at Pistacchio ice cream ng Selecta—perfect pair pag birthday ko!!, chichiriang hiningi sa katabi at lahat ng niluluto ng momi ko!!! Ganyan ako katakaw, walang aangal. Kaya wag na kayo magtaka kung bakit ganito ko kataba. Ngayon alam mo na—kung nagda-diet ka, hindi ako ang magandang kasama.
Sa mga katulad kong minsan ay Calorie-conscious, may ituturo ako sa inyo, nabasa ko ‘to hindi ko na maalala kung saan: Tignan mo ung value ng “Calories” at tignan mo rin value ng “Calories from Fat”, pag minultiply mo sa “3” ung “Calories from Fat” at naging mas malaki ang kinalabasang value kaysa sa “Calories” ibig sabihin hindi un healthy kainin kung ikaw ay diet conscious. Gets mo ba? Kung hindi pa rin eh basahin mo na lang ulit.Ü Hehe.. Lagi ko kasing ginagawa yan pag kumakain ako, pero minsan pag super gusto ko ung food, kakainin ko muna lahat bago ‘ko magcompute, at least kahit mataas, ubos na at wala na ‘kong magagawa. Un ang gawain ng mga tulad kong adik sa pagkain.
ITO ANG BARKADA KO SA USTE NA LAGI KONG KARAMAY SA KATAKAWAN: mj, austinne, jolo...
Ngayong nasa College na ‘ko, kabilaan na ang mga fast food chains lalo na sa uste. Tatlong beses sa isang linggo ata kame nag fa-fast food. Sa Dapitan kasi pag labas mo pa lang ng gate, Burger King, Wendy’s, Jollibee, KFC at Mc Donald’s na kagad ang sasambulat sa mukha mo. Kung wala na kameng pera ng barkada ko, baka maisipan naming magpunta sa Momo’s, dun kasi one to sawa ang rice. Sila ata may ari ng buong Rice Field Sa Central Luzon. Umorder ka lang ng isang meal na worth Php 69, solb na. Hindi ko rin naman pwedeng kalimutan ang Aling Cely’ Carinderia, dun kame kumakain dati dahil may special treatment kami dun—crush kasi ng anak ng may-ari ung isang kabarkada ko pero makalipas ang ilang linggo napagtanto naming mejo madumi don at maswerte kame dahil wala pa kaming hepa sa mga oras na ‘to. Nasubukan na rin namin sa Almer’s. Don ibang klase, pupunta ka ‘don ng fresh na fresh ka, paglabas mo parang pati uniform mo e kumain, didikit kasi sa’yo lahat ug amoy ng pagkain. Kaya pagpasok namin sa airconed room namin, naku alam na alam na kagad nila kung san kame kumain. Pero masarap ‘don sizzling plate kasi at may libreng isang kuchara ng mashed potato—un lang naman ang gusto ko don. Sulit ang bayad pero ubos naman ang pabango mo pagkatapos. Kaya siguro minsan mas gusto na lang naming magfast food, kahit mahal, safe ka naman, mabilis pa ang service at de aircon pa. Kaya ganito ko kataba, ‘wag ka nang magtaka kung bago ‘ko grumaduate eh muka na ‘kong biik.
Para sa mga taong hindi pa ‘ko maxadong kilala e ito para sa inyo: alam mo bang frustrated singer ako? Frustrated drummer at guitarist din, in short frustrated akong maging member ng band. Frustrated painter din ako dahil kahit simpleng abstract e hindi ko maipinta. Frustrated softball player din ako, kahit isang sem kong P.E. un eh kahit minsan eh hindi ako nakarating sa first base. Pero uno ung grade ko nun kasi lagi lang naman akong bumabawi sa written exam. Gusto ko talaga ng P.E. pero mukang hindi talaga nila ko gusto, balak ko ngang mag Folk Dance na lang next sem e, tingin mo?
Nung nag volleyball kasi ‘ko nung 1st sem eh nanalo lang kame dahil sa galing kong magcheer sa mga team mates ko. hmmm.. mag cheer dancing na lang kaya ako? Dos ako nung p.e. pwede na rin, natuwa naman ako sa P.E. na un. Pero in fairness naman e nakakatira naman ako, pumapasok din ung serve ko lalo na pag umiinom ako ng Gatorade bago maglaro. Uno ‘ko sa softball nung 2nd sem pero minsan lang ako naka-bat at foul ball pa! Nadala lang siguro ng never kong pag aabsent sa klase niya, buti na lang pala ipinanganak akong mabait na bata.Ü
Normal naman ako sa tingin ko. Maliban sa 90/120 ang blood pressure ko e mukang normal naman ang lahat sa akin. Nagawa at ginagawa ko naman yata ang mga normal na ginagawa ng isang normal na tao. Nagko-concert ako sa CR habang naliligo, kinakausap ko ung sarili ko sa harap ng salamin, nagawa ko nang kumanta sa harap ng electric fan nung bata pa ‘ko (siguro ginawa mo na rin yan), naka-100 na ‘ko sa videoke minsan, nasubsob at nagalusan na ‘ko sa loob ng ice skating rink, naitulak na ‘ko ng kaklase ko sa hagdanan ng schoolbus namin, sumemplang na rin kame sa bike habang angkas ako ni papa nung bata pa ‘ko, nakapagsulat na rin ako sa diary at sa upuan ng bus, nakabasag na rin ako ng ilang baso, napalo na ‘ko ng sinturon sa pwet at nahagisan na rin ako ng monoblock ng nanay ko noon, nakapagtooth brush na ‘ko gamit ang daliri, nalunod na ‘ko sa swimming pool, nasampal na ‘ko ng ate ko—noon pa un, nung bata pa kame, napapractice yata siyang maging artista, naipang-shampoo ko na rin ang Safeguard, nadikitan na ‘ko ng bubblegum sa buhok, na-canal na rin ako sa bowling, nakatikim na ‘ko ng juice ng Santan, nakapaglaro na ‘ko ng bahay bahayan, namatayan na rin ako ng alagang aso, nakapaglibing na ‘ko ng hamster, nagawa ko na ring ipasok ung ulo ko sa balde habang naliligo, naranasan ko na ring matulog sa loob ng cabinet at higit sa lahat nasubukan ko nang kumain ng kuko.
Marami rin akong secret dreams. Pangarap kong magkaron ng boyfriend na vocalist, drummer o kaya bahista. Bakit? Kasi feeling ko sweet sila. Gusto ko kasi lagi akong kinakantahan—dream ko rin kasi minsan na may mangharana sa’kin. Pero dream lang talaga un. Pangarap ko din matry magkaboyfriend ng isang doctor—malamang pag matanda na ‘ko noh. Bakit? Kasi feeling ko super caring sila at alam mong aalagaan ka niya pag may sakit ka. Pero pwede na rin si Tom Cruise o kaya si Brad Pitt, mapagchachagaan na sila. Ayoko lang ng abogado dahil sigurado lagi kameng mag-aaway.
Isa rin sa secret dream ko ang maging isang beauty queen, wala lang gusto ko lang magsuot ng sache. Dream ko rin maging mayaman pero hindi para mabili ko lahat ng gusto ko kundi dahil gusto ko magsupport ng isang Foundation. Gusto ko makapagpaaral ng mga batang hindi nabibigyan ng opportunity na mag-aral. Pinaka importante kasi ang studies para sa’kin. Dream ko rin maging isang teacher, maliban sa makakatanggap ako ng sandamakmak na regalo t’wing Pasko eh gusto kong maraming makaalala sa’kin pag matanda na ‘ko. Dream ko rin matagpuan ung Prince Charming ko sa loob ng isang simbahan—un dream ko talaga at gusto kong matupad un. Dream ko rin tumanda’t mamatay kasama ung taong mahal ko—parang The Notebook. Dream ko rin maging isang movie director, wala lang gusto ko lang, bakit ba??
Madali akong magsawa sa mga bagay na gusto ko pero may mga bagay na ikamamatay ko
pag nawala sa’kin tulad nang—chinelas kong muka nang basahan, Pond’s facial wash at 360˚na toothbrush ko, TV lalo na pag O.C. na!, ung favorite pillow ko na unan ko pa yata mula nung ipinanganak ako, mineral water dahil adik ako dun sobra at higit sa lahat ung P.C. ko. Mabubuhay ako kahit walang celphone wag lang YM. Pag nastranded ako sa isang island, basta meron ako nung mga bagay nakalista jan e mabubuhay ako.

Mababaw lang naman ang kaligayahan ko AT MAHILIG AKONG MAG SENTI. Marami akong gustong gawin dahil gusto ko lagging may aksyon ang buhay ko. Gusto kong magsulat ng kwentong makapagpapatawa at makapagpapa-iyak ng mambabasa ng sabay, makagawa ng librong mapa-publish at makikita ko sa National Bookstore na naka display, matuto magbilliards, mag alaga ng elepante, magpafull body massage, magsnorkling sa Puerto Galera, maging avid fan ng kahit na sino, makahawak ng Iguana, magpaint ball kasama ang barakada, magpakain ng manok sa crocodile, makarating sa North Pole, makipag date sa hot air balloon o kaya sa tuktok ng Eiffel Tower, magwall climbing at mag-rapell, mag snow tubing, sumakay sa Rio Grande Rapids ng nakatayo, sumakay sa RORO, manguha ng Indian mango sa puno nina Janna Mae sa Laguna, maging covergirl ng isang magazine, magpawax ng lahat ng buhok sa katawan, makarating sa tuktok ng Mt. Everest, makapag bikini sa beach, magshopping sa ukay ukay kasama ang bestfriend ko, maglakad sa baga, tumulay sa alambre at kumain ng espada, maligo sa ulan, magbike sa North Luzon Expressway, magbunjee jumping, suminghot ng wasabi, magtinda ng Sampaguita sa Baclaran, makanood ng concert ng 6Cyclemind at Hale at Rivermaya at MYMP, mag outdoor camping at higit sa lahat ang magstargazing sa tuktok ng bundok! Pag lahat yan nagawa ko na, pwede na ‘kong mamatay—seryoso.
Marami akong gusto pero meron din akong ayaw at un ang—durian, amoy ng kabayo, patay na kuko, yosi, adik at smoker, lalaking nakahikaw, babaeng may tattoo, baklang labas ang pusod kung manamit, mga clowns at dolls , maliit na sugat (kasi mas masakit un at pag nakakakita ‘ko nun
nanghihina ung tuhod ko, gusto ko ung sugat na dumadanak ang dugo), ayoko rin ng movie na hindi happy ending o kaya pag namamatay ung bida. Ayoko rin ng brownout lalo na pag hindi ko pa nase-save ung tinatype ko—*biglang save*. Ayoko rin ng umaandar ung bus habang bumubaba ako. Ayokong magslide sa swimming pool. Ayokong mapasukan ng tubig baha ung sapatos ko. Ayokong sumasakay sa LRT pag hindi aircon. Ayoko rin ng may katabi pag natutulog. Ayoko rin ng naiisip ko lahat ng gusto kong isulat bago ‘ko matulog tapos nakaklimutan ko paggising. Ayoko ng graded recitation ni Sir Ignacio. Ayoko ng Titration of chemicals at lahat ng klase ng computation sa Chemistry. At higit sa lahat, ayoko ng sisiw ng balot dahil feeling ko kumakain ako ng aborted fetus.
Sinubukan kong isulat sa dalawang maliit at magka-ibang papel ang POSITIVE at NEGATIVE traits ko. hmmm.. malapit nang mapuno ung papel ko para sa negative traits pero sa papel ng positive traits ko eh pwede ka pang magsketch ng daan mula sa bahay ko hanggang sa Baguio!
NEGATIVE
Mataray
Ma-pride (super!)
O.C.
Snob (minsan)
Tactless (minsan din)
Impulsive buyer (sobra!)
Possessive
Immature (haha..Ü)
Moody!!
Mababaw ang luha
Matigas ang ulo
Mahilig mantrip (sorry..)
Kuripot!
POSITIVE
Loving (super)
Creative
Patient
Un
Lang
Wala
Nang
Iba
Pa
Talaga
Promise
Maniwala
Ka.
Bago ko ‘to ituloy e gusto kitang kwentuhan tungkol sa room ko: mula nung nag College, naisip ng parents kong pagsamahin na lang kame ni ate sa isang room. Goodluck naman un db? 24 hours na talaga naming nakikita ang isa’t isa. Mula pagdilat ng mata ko, hanggang sa classroom at hanggang sa pagtulog ko. Pero masaya un—‘kala mo ba? Kasama na rin namin ngayon sa room si Danica, ang aking younger sister.

SA MAY STUDY TABLE KO KATABI NG WINDOW..
Pagpasok mo sa pinto eh hindi ka naman magugulat. Normal naman kahit ang lahat. Imaginine mo na lang ha? Merong matangkad na mirror sa left ng pinto tapos may blue na CR tapos may closet kung saan andon lahat damit na pang-alis naming tatlo (nagpapalitan kasi kame minsan dahil malalapit naman ang body figures naming sa isa’t isa) tapos may parang built-in sofa sa tabi ng window na may orange na curtains kung saan nauupo ang kung sinong gustong magbasa ng libro o kaya naman e magsenti sentihan lang. Katabi nun ang aking study table na color orange. Wala ka namang makikitang nakapatong maliban sa desk calendar, alkansya, puzzle block, frames ng family pic, 2 grad pics at isang vanity pic—san ka pa?, meron ding lamp shade na color black, at mga stuffed toys na favorite ko: aso na bigay ni Jeimz, aso na bigay ni DM, pink na aso na bigay ng tita ko at teddy bear ng napanalunan ni Papa sa pagshoot ng basketball sa EK. Maliliit lang un wag ka mag-alala. Gusto ko kasi makulay ung table ko para masarap mag-aral. Meron din akong maliit na bulletin board para malagyan ng notes ko at dun din nakasabit ang lahat ng mga dangling earrings ko para madali hanapin. May aircon na t’wing summer lang binubuksan at may isang black computer na mukang 24 hours lagi nakabukas ngayong summer. Katabi nun ang table ni ate na color green—wag mo na tanungin kung magulo ba o magulo.\m/ Hehe.. Katabi nun ang bookshelf ng mga pocketbooks kung saan adik si ate. Tapos andon na ung TV, boombox, electwik fans at beds naming tatlo na dikitdikit. Parang super duper king size? Magkakatabi kameng tatlo kaya natural na madaldal kame sa gabi bago matulog. Tapos un na. Un na ang pinaka magandang room para sa’kin dahil dun kame madalas magbonding bonding.Ü
Ilang linggo na lang at matatapos na ang bakasyon. Kahit nandito lang ako sa bahay buong bakasyon e marami naman akong natutunan at marami akong activities na na-enjoy, alam mo ba kung ano yon? Yun ay ang magpunas ng bawat dahon ng isang malaking fake na puno, magwalis at magmop ng sahig araw araw, magtanggal ng dumi at mga buhok sa carpet, maglinis ng inidoro, maglaba ng damit, magpaligo ng askal at ng kapatid, maghugas ng pinggan, magtiklop ng mga sinampay, magluto ng octopus na hotdog (hotdog na korteng octopus), gumawa ng damit ng tuta gamit ang paboritong damit ng kapatid, paglaruan ang ilong ng kapatid habang tulog xa, maglaro ng Bullshit, magbasketball sa gabi, magnail polish na black sa kamay at sa paa, magdrawing at magsketch, magbasa ng Young Blood sa Inquirer, at higit sa lahat magpatay ng langaw.
Favorite ko ang pagwawalis at pagmamop ng bahay bago ‘ko maglunch. ‘yun kasi ang exercise ko, masaya naman kasi nakakalinis na ‘ko ng bahay nabuburn pa ung calories ko. Pag mejo sinipag pa ‘ko e baka magpunas pa ko ng mga cabinet at mag-dyaryo ng mga salamin. Mahilig kasi ‘ko mag-ayos. Ayoko kasing nakikitang magulo yung gamit ko, obsessive compulsive nga kasi ako. Gusto ko ung kama ko ayos na ayos at walang gusot. Mula sa unan hanggang sa kumot. Gusto ko ung table ko laging maayos at malinis. Ayoko rin ng may gabok ung lamp shade ko, para kasing nagmumukang sinauna. Pagkatapos ko maglinis, kakain na’ko, kung ano lang makita ko sa ref o kaya sa cabinet, solb na ‘ko don. Busog na ‘ko sa pagtambay sa harap ng tv.
Pero pag wala si momi at tinatamad si ate, xempre kailangan kong pakainin nang maayos ang mga kapatid ko. Pag ako naghahain, gusto ko 1 inch away from the edge ng table ang plato. Gusto ko maayos na magkatabi si spoon at si fork at gusto ko may design pati pag-aarrange ng kanin at ulam. Ang hirap talaga maging O.C. noh? Pagkatapos naming kumain, ako maghuhugas ng mga pinggan at ung iba ginagawa na ng maliliit kong kapatid—un e pag wala lang dito sa bahay ang nanay ko. Sanay na kasi sila sa’kin. Mataray ako pag nagiging tamad sila. Pagkatapos kong maghugas eh gusto ko walang matitirang kahit maliit na dumi sa lababo. Gusto ko tuyo lahat bago ‘ko umalis. Gusto ko parang pang-commercial ang dating pag iniwan ko.
May kamalditahan din naman ako. Nagawa ko na rin ang mga karaniwang ginagawa ng mga batang madalas nasisigawan at dumadapa para mapalo sa pwet. Nasubukan ko nang gumupit ng antenna ng ipis na nakasilip sa lababo bago ‘ko magtoothbrush. Nasubukan ko na ring magbigay ng towel na puro langgam sa kapatid kong wala nang ginawa kundi magpaabot ng twalya pagkatapos niyang maligo araw araw. Nasubukan ko na ring magpakuha sa saleslady ng size 7, 8, 8 ½, at 9 ng limang iba’t ibang klase ng sapatos na natripan ko pero natripan ko ring hindi bilhin. Nasubukan ko na ring magbayad sa tricycle ng tigpipiso at tigte-twentyfive cents na 29 pesos bilang pamasahe sa special trip ko isang madilim na gabi. Nagawa ko na ring ipitin ang daliri ng kapatid ko sa pinto ng kotse. Nagawa ko na ring lunurin ang tuta sa balde. Ilang beses ko na ring nasubukang mang-gago ng mga kaklase sa school, maxado kasi akong convincing kahit paulit ulit kong ginagawa yon. Ilan pa lang ‘yon sa mga kagagahan ko. Gusto ko lang naman sabihin eh normal akong batang isip bata.
3 years old pa lang ako, pumapasok na ‘ko sa Learn and Play Montessori. Sajang bored na bored na ‘ko dahil walang aksyon sa panonood ng Batibot sa bahay kaya pinilit ko ung nanay kong pumasok na ‘ko. Nilalakad lang namin un mula dito sa bahay. Dun ko unang naranasang makakita at makakausap ng mga nilalang na kasing liit ko. Dun ko rin unang naranasang magmukang tanga sa harap ng maraming tao dahil nag-costume ako ng “clouds” para sa isang production number. Wala na ‘kong maxadong maalala kasi kalahating taon pa lang e pinahinto na ‘ko ng Nursery at ipinasok na ‘ko sa Kindergarten. Accelerated kagad?
Sa Kindergarten, hindi ko malilimutan ung favorite teacher kong si Teacher Cherry dahil siya ang piankamabait at pinak-cool na teacher na nakilala ko. Sa Kindergarten ko rin naranasang hindi maligo para lang hindi matanggal ang “three stars” ko bago ko maipakita sa tatay ko. Sa Kindergarten ko rin natutunan ang kantang “Kung ang ulan ay lasang tsokolate, ako ay lalabas at ako ay nganganga, a-a-a-a-a-a-a-a…” favorite song ko un noon dahil lahat ng pagkain pwede kong ipalit sa salitang “tsokolate”. Naaalala ko din na t’wing umaga e nag-eexercise kaming lahat. Pinaka ayaw kong part eh pag magja-jumping jacks na. Lagi akong humihinto at nagkukunwaring nagtatali ng sintas ng rubber shoes ko. Ayoko kasi non dahil kahit minsan eh hindi ako nakasabay sa tamang timing. Isang taon ko un ginawa at muka namang walang nakahalata sa’kin.
Pag wala akong pasok, lagi akong sumasama kay Papa sa tindahan ni Aling Fely pag bumibili xa. Pag tinatanong niya ‘ko kung anong gusto kong bilhin lagi niya ‘ko pinagtatawanan. Naaalala ko pa ung eksaktong pag-uusap namin non.
Ako: Pa, gusto ko ng YORAL!
Papa: Ano?
Ako: Gusto ko po ng YORAL!
Papa: Anong YORAL? Sabihin mo muna ROYAL para ibili kita.
Ako: YORAL. Hai. Coke na nga lang po!
Mula non ayoko na ng Royal, kahit favorite ko un, pinilit kong hindi gustuhin dahil hindi ko mabigkas ng maayos. Hanggang ngayong matanda na ‘ko, ayoko na nun.
Una ‘kong nagkacrush nung Prep ako. Magkaklase kame non. Michael ang pangalan niya pero Blue ang tawag ng lahat sa kanya. May nagkwento sa’kin minsan na nung ipinadistribute sa kanya ung test papers namin e kiniss niya daw muna bago niya binigay sa’kin ung akin. Pero kung tama ang naaalala ko, madalas kaming mag-away dahil lagi niya ‘kong inaasar. Inasar niya ‘ko non nung hindi ko ma-ispell ung pangalan niyang Michael dahil MichEAl ang naisususlat ko. Pinapagtawanan niya ‘ko kasi secretary ako non sa klase pero bulok daw ako sa spelling. Mula non lagi ko na siyang tinatarayan para naman may aksyon ang buhay ko.
Naaalala ko non, Art Class un at nagkukulay kame ng drawings namin, pabalikbalik siya sa table ko para manghiram ng Crayola kahit ang table niya ay isang table ang layo mula sa akin. Tinarayan ko siya non kasi naubos na lahat nang pangkulay ko dahil hindi niya binabalik at nalaman ko pang may sarili naman pala siyang mga Crayons. Pero kahit tinatarayan ko siya alam ko crush ko pa rin siya. Maliit lang siya, mas matangakad pa nga yata ako sa kanya eh. Mejo maitim din siya dahil mahilig yata siyang maglaro sa labas pero tayu tayo ung buhok niya kaya bagay sa kanya.
First field trip namin nung una ko siyang nahawakan. Pinag pair pair kasi ang boys at girls. Naging buddies kame non at number 18 kame. Magkatabi kame sa bus at magkaholding hands habang naglalakad. Nakakatawa kasi habang hawak niya sa right hand niya ung kamay ko, hawak naman niya sa left ung kamay ng mommy niya. Yun ung first date ko sa buong buhay ko.
Hindi ako marunong makipag-usap sa ibang tao na para bang laging umuurong ung dila ko. Minsan papasok ako sa school pero hindi pa ibinibigay ni mommy ung baon kong pagkain. Yun pala ako ung pabibilhin niya sa tindahan. Isang oras yata akong nagngangawa sa harap ng bahay namin dahil ayokong bumili. Maliban sa nahihiya ako, may malaking puting aso dun sa tindahan ni Aling Eva. Minsan na ‘kong hinabol non at hindi ko alam kung bakit buo pa rin ako hanggang ngayon. Sobrang payat ko kasi dati. Mas payat pa daw ako sa tingting. Pero awa naman ng Diyos, nakabili ako ng isang pirasong Rebisco na chocolate flavored na wala pa yatang isang minuto ko kinain sa school.
Bahay-school-bahay-school lang ang buhay ko ‘non. Pag inaabot ako ng 5 pm sa labas ng bahay naiiyak na ‘ko kasi feeling ko mawawala na ‘ko at hindi makakauwi ng buhay.
Meron akong naging best friend na lalaki non, siya si GM. Una kameng nagkita nung first day of school nung Grade 1. Para ‘kong nasa zoo non dahil sobrang gulo at sobrang wild ng mga estudyante. May nakita ‘kong batang lalaking nagngangangawa dahil hindi niya raw makita ung section niya kaya tinulungan ko siyang hanapin ung room niya kahit alam kong late na rin ako. Siguro kaya ko siya nagawang lapitan at tulungan kahit ako rin eh nahihirapan kasi muka siyang harmless talaga. Sobrang payat niya na parang malnourished. Para siyang boy version ko at para kong girl version niya.
Naging super close kame non lalo na nung nalaman naming magkapitbahay lang pala kame. Lagi siyang nasa bahay namin pag hapon. Tumatambay kame sa labas ng garahe o kaya tinuturuan niya ‘kong magbike. Minsan naman nasa playground kame o kaya nasa ilalim ng puno ng Aratellis habang nagkukwentuhan. Sobrang lambot ng katawan niya, dancer kasi siya kaya lagi siyang kasali pag may mga programs sa school namin. Mejo sikat siya non, kahit san kame pumunta laging may bumabati sa kanya. Pero kahit ganon, hindi siya nagbabago, cool pa rin siya at mas lalo pa kaming naging close. Siya ung partner ko sa Newspaper dance nung 7th birthday party ko—siya ang first dance ko sa buong buhay ko.
Dumami ung barkada namin dito, magkakakapitbahay kame kaya palagi kameng nasa bahay ng isa’t isa. Minsan nagkayayaang maglaro sa bahay ng isa naming kabarkada. Sinuot namin ung mga costumes sa bahay nila at dahil mga bata pa kame’t walang kaalam alam sa mundong ibabaw e naglaro kame ng kasal kasalan. Pinilit nila ‘kong gumanap na bride at siya naman ang groom at ung isa pa naming kaibigang babae ang nagpanggap na pari. Hanggang umabot sa “You may kiss the bride” at kiniss niya nga ako—sa lips. Wala ibang may alam non (maliban sa’yo) at sa yaya ‘ko nun. At dahil hindi ako marunong magsinungaling non, kinuwento ko kagad sa yaya ko ung nangyari at kinunchaba ko siya para ‘wag niya isumbong kay momi. ‘Yon ang first kiss ko—nung seven years old ako.
Hindi na kame nag-uusap ngayon kasi lumipat na siya ng school, wala na ‘kong balita sa kanya. Nakakamiss kasi siya ung una kong bestfriend sa buong buhay ko.
Wala na ‘kong maxadong maalala nung Elementary ako. Maliban sa sobrang payat ako non pero hindi naman malnourished, mahiyain din akong bata noon sobra. Payat ako kasi wala akong alam kainin sa mundo kundi ung ulam na niluluto ni momi araw araw at ung mga pasalubong sa’min ni papa pag uwi niya sa bahay kapalit ng pagdadala namin ng chinelas niyang malalaki. Kung icocompare ako nun kay ate, parang hindi kame magkapatid.
Nung binlutong ako nung grade 2, dun ako nagsimulang lumobo. Merong time na mas mataba pa ko kay ate non. Muka akong bolang naglalakad. Wala akong leeg non at meron akong dalawang malalaking ngipin sa harap. Goodluck naman sa ichura ko non! Kaya siguro naging mas mahiyain ako.
Kung tatanungin mo ‘ko kung sinong mga kilala ko sa school nung Elementary pa ‘ko, wala pa siguro sa 20 ang masasabi ko. Snob ako noon. Wala yata akong kinikilala. Pag may pinapagawa ung teacher ko, ako lagi ang unang natatapos dahil hindi ako marunong dumaldal. Naghihintay na ‘ko ng susunod na subject, nag-uumpisa pa lang ung mga katabi ko. Hindi nga kasi ako marunong magsalita non at siguro inakala ng mga kaklase kong araw araw akong may stiff neck dahil hindi talaga ko lumilingon. Ako lagi ang tagapaglista ng “Noisy” at “Standing” sa blackboard namin kaya laging may an-an ung kamay ko. Dun ako unang natutong magsulat sa board at dun ko rin nabuo ung pangarap kong maging isang teacher pero naisip ko, magpapabili na lang ako ng blackboard at chalk sa tatay ko.
Hindi naging maxadong masaya ang Elementary ko maliban sa mga field trip at pag-akyat ko sa stage para masabitan ng medal. Lagi kasing 95 ang Conduct ko noon—malamang naman siguro noh? Masaya rin ako kasi grumaduate akong Top 8 ng batch namin. Masaya na ‘ko dun kasi dun ko naranasang palakpakan ng madlang tao kahit hindi nila ko kilala. Dun ko unang naranasang magsulat ng essay under time pressure at ma-interview ng mga terror kong teacher. Dun ako unang natutong mang-eching ng mga teachers. Dalawang taon kasi ‘kong nasa Star Section at hindi madali yon dahil Grade 6 na ‘yon at matured na ung iba kong kaklase. Habang sila’y sandamakmak na ang mga manliligaw, ako’y wala pa ring kaalam alam sa mundo.
Nung grade 6 ko unang naranasang umattend ng Soiree. Hindi ko makakalimutan ung gabing un dahil nagmuka akong espasol. Tatay ko ung kasama ko sa parlor non kaya wala xang kaalam alam tungkol sa make up—tulad ko. Hindi ko alam kung may galit sa foundation ung baklang nagmake up sa’kin o sajang color blind lang xa. Pero xempre beauty queen pa rin ang tingin sa’kin ng tatay ko nun. Hindi ko un malilimutan un dahil maliban sa mas matangkad ako ng 5 inches sa date ko e sa canteen ang dinner naming lahat. Ayos—san ka pa?!
Nagkaron ng sudden twist sa buhay ko nung pumasok ako sa Masci. Dun ko natutunan ang lahat ng dapat matutunan sa mundo. Mula sa kung pano magjeep hanggang sa kung pano magtitrate ng chemicals. Dun ako nakakilala ng tao mula sa pinakamabait hanggang sa pinkasira ang tuktok. Dun ko rin natutunan ang mga kalokohan sa mundo, mula sa pagkain sa loob ng klase hanggang sa pagkacut ng Music class ni Ma’am Agravante. Pero proud naman ako dahil never pa ‘kong nakatulog sa kahit sa isang subject. Dun ko rin natutunang mangopya ng assignment sa katabi kapag tinamad akong gumawa nung gabi. Dun ko rin natutunang magpagawa ng project lalo na pag tungkol sa paggawa ng programs sa Computer. Dun ko lang din natutunan maglakwacha, magdaldal, humalakhak, umiyak, magpuyat, magwaldas ng salapi para sa projects, makipagbarkada, tumambay, mang-away, mang-asar, mantrip, magpulbo’t magpaganda, mangkulit ng teacher, makipagkaibigan sa tindera para makalibre, magsuot ng costume na ipis para lang sa Field Demo at marami pang iba. In short, dun ako natutong lumabas sa shell ko. Dun nagsimula ang buhay ko.
Dun ko rin naexperience maligaw sa Maynila. Un ang pinaka unang beses naming nag-jeep ni ate mula Masci hanggang sa office ng tatay ko sa Roxas Blvd. Nakaupo na ‘ko nang maayos, nakapagbayad na kame ng pamsahe, nag-aabang na lang kame na matanaw ang L.A. Café—ang tanging landmark na dapat daw naming hanapin. Malamig at pinapagpawisan ang mga palad ko nun pero excited ako dahil first time naming magcommute ni ate na kaming dalawa lang. Hanggang sa ang walang awang jeepney driver ay lumiko sa kung saan saan at nagka-cutting trip na pala. Kung mamalasin ka nga naman. At dahil feeling namin e nasa malayong lugar na kame, bumababa na kame sa hindi namin malamang lugar. Hindi pa uso ang celphone sa’min non kaya pumunta kami sa isang tindahan at nakitawag. Tumawag kame kay Papa at nagpasundo—un pala ay nasa Pedro Gil lang kame! Okay lang un, ako pa? eh gusto kong laging may aksyon ang buhay ko. At higit sa lahat, binilhan kame kagad ng celphone kinabukasan.
Sa Masci ko din unang naexperience na magkaron ng 1/10 na score sa mga surprise quiz pero tumatawa pa rin ako pagkabigay ng test paper ko. Dun ako unang nakakita ng iba’t ibang klaseng teacher. Merong kumakausap ng blackboard habang nagtuturo, meron ding teacher na tinatayuan ng balahibo ang mga estudyante t’wing time na para sa subject niya, meron ding natutuwa pa pag tinawag mo xang “jologs” dahil akala niya ibig sabihin non ay maganda, meron ding wala nang ibang ginawa kundi magpabili ng Dunkin Donut sa estudyante, meron ding walang ibang alam kundi mamigay ng mga modules, meron ding ¾ ng time e intermission number lang ang pinapagawa sa’min, meron ding puro charades ang alam na ipagawa, meron ding puro group work ang alam sa buhay pero meron din naman kaming sineryoso kahit papano.
Dun ko rin unang naexperience maligawan, magkaron ng lovelife at umiyak. Maraming posibleng mangyari pag Foundation Day lalo na nung talagang pinapayagan pa ng admin ang bonggang F-Day. Super masaya talaga. Alam ko kasi isa sa mga memorable events sa buhay ko ung F-Day nung sophomore year. Kung bakit secret ko na un. Maswerte talaga ‘ko kasi nabigyan ako ng opportunity na mag-aral sa Masci kahit more on kalokohan lang talaga ang natutunan ko, masaya ko kasi dun na-mold ung personality ko at natuto akong maging maabilidad. Ang dami naming activities—marami na un considering na kame lang tlaga ang nagfufund ng bawat activities. Kahit na hindi man ako ganun ka-active pagdating sa mga activities, masaya pa rin ako kasi at least meron.
Hindi ko makakalimutan nung nagfield trip kame nung 3rd year. Kung ako ang tatanungin, the best year para sa’kin ang 3rd year. Nasa isang sulok lang ung room 220 pero un na ang naging tahanan namin sa loob ng isang buong taon—naks! Siguro kaya un ung best year para sa’kin kasi dun ako naka-experience ng best adviser kasi siya ung pinaka terror sa lahat ng naging teacher ko sa Masci, pero siya rin ung pinaka nag-care sa’min na parang totoong anak. Kahit tinitindigan ako ng balahibo sa buong katawan t’wing English time, sobrang sweet naman niya sa’min pag Home room na. Kaya favorite subject ko un non e, maliban sa pwede kaming gumawa ng assignment pag Home room na, e andon siya para itanong ung mga concerns naming lahat. Bawat issue sa’min alam niya talaga kaya ang sipag naming magdesign ng classroom non eh. Ako ung pasimuno kung bakit nagkaron ng sandamakmak na stars sa room namin nung Christmas.
Sobrang saya talaga kasi lahat kame close, un lang ung year na sobrang walang grupo grupo sa’min, walang plastikan, wlang awayan. Para kaming isang malaking barkada, saya db? Dun ko rin nakilala ung pangalawang best friend kong lalaki. Kaaway ko siya nung freshmen pa kame kahit hindi ko naman talaga siya kilala—dun ko nga unang natry makipag-away at sa lalaki pa. Pero nung nakilala ko siya, mabait naman pala pero likas nag g*go lang talaga. Kaya nga siguro nag-jive ang aming mga personalities—dahil pareho kaming g*go, pareho rin kameng bakla. Hanggang ngayon magkaibigan pa rin kame at hanggang ngayon bakla pa rin kame.
Isa rin sa mga hindi ko makakalimutan ang JS Prom nung 3rd year. Dun ko unang naranasang magsuot ng gown at magmukang tunay na babae. At noon hindi na ‘ko mukang espasol at hindi na rin sa canteen ang dinner. Sobrang excited ako nun kasi pink ung gown namin. Kahit nasa quadrangle lang kame, masaya pa rin kasi may live band at may mga stars habang nagso-slow dance. Masaya rin nung JS Prom nung 4th year. Sa Clam Shell Intramuros na kame, super masaya din, mas masaya kaysa nung 3rd year. Hindi ko rin makakalimutan ung Research naming tungkol sa hamster. Kahit walang kakwenta kwenta ung topic namin, enjoy ung mga narating naming lugar lalo na nagpunta kaming UPLB. Kung bakit secret na un ng group namin. Basta super saya.
THIS WAS TAKEN SA HOTEL ROOM NAMIN SA BAGUIO..
4th year na ‘ko nang maisip kong mag-join sa YW sa Baguio, nagsisisi ako kasi pinalampas ko ung opportunity na sumama nung 3rd year. Sobrang saya kasi sobrang dami kong nakilala, first time ko un pero naging commission chairman kagad ako. Ang dami kong naging friends na hanggang ngayon friend ko pa rin. Ang daming hindi ko makakalimutan dun tulad ng multong nakarubber shoes, unahan sa CR t’wing umaga, pagbabike, pagboboating, pagbili ng suhang sobrang asim pala, pagsali sa poster making contest, at lahat ng mga bagay na dun ko lang naexperience. Sobrang saya, sayang lang dahil hindi na mauulit un kahit kelan.
Madami talaga ‘kong mamimiss sa Masci tulad ng jungle juice sa retail, ang music room ni ma’am agravante at exam namin sa kanyang inaabot lang 3 minutes, CR na laging walang tubig, Lover’s Lane kung saan maraming nangyayari, multo sa Bordner Bldg, ang kagandahang loob ni Ma’am Herson, ang flag ceremony na dapat laging kina-career, canteen na sobrang bango, library na mas matanda pa sa’kin ang mga libro, librarian na nagagalit pag may bumibisita sa library niya, quad kung saan mo matatagpuan ang kung sinong hinahanap mo, quad na naging saksi sa lahat ng mga pangayayari t’wing uwian, quad na naging parang lahar nang irenovate, UCB (Under the Comsci Bldg) na paborito naming tambayan, audi na minsan lang kung buksan ang aircon, McDo U.N. at Rob Ermita na naging extension na ng Masci, si mang Lando the parking boy, at higit sa lahat ang mga pusa ni Manang Gunding at ang favorite debate topic naming t’wing lunch: kung babae o lalaki ba siya.
ITO ANG POWERHAUS--BARKADA KO NUNG 4TH YEAR! CNA ANDY, REJIN, WANA, JAH AT NINI!! Ü
4th year ang pinaka nakakaiyak na year, maliban sa luhang tutulo kung nakapasa ka o hindi sa dream university mo, ito na kasi ang last year para gawin ang lahat ng dapat gawin. Pinakamalungkot para sa’kin ung graduation practice. Mahirap ata kumanta ng Breakaway ni Kelly Clarkson habang umiiyak noh! Pero dun ko nakabati lahat ng kaaway ko. Dun ko nakilala lahat ng dapat kong makilala. Dun na rin ipinagawa sa’min lahat ng maisip ipagawa ng teacher. Dun ko rin naransan gumawa ng project sa loob ng sampung minuto. Lahat ng paghihirap naranasan ko nun. Pero kahit ganun, un ang pinakamasaya. Naging seryoso ‘ko sa lahat, minsan lang ako nagloko, sayang, hindi ko naisip na un na ung huling chance ko para magpalokoloko sa pag-aaral. Pero ayus na rin, may sabit naman ako nung graduation.
Sa Masci ko nakilala ang iba’t ibang klase ng tao—ung totoong tao. Siguro kung mabibigyan ako ng chance na mag high school ulit, pipiliin ko pa rin ung batch naming walang katulad. Kame daw ung huling batch ng mga pinakamabait—naks! Totoo naman, walang naging maxadong problema sa batch namin. Marami akong taong hindi makakalimutan kahit kalian—mga kaibigan ko’t mga kaaway. Masaya ko dahil hanggang ngayon kaibigan ko pa rin ung mga kaibigan ko noon. Tapos na ang high school lafe ko.
GRADUATION DAY!!!!

College na ‘ko. Welcome to the real world na ang drama. BS Nursing ang course na ang curriculum ay specially designed to kill the social life of students. Buong taon kameng parang nasa isang Reality Show kasi lahat nagkokompetensya, lahat may pressure. Magbabawas kasi ng isang section sa 2nd year kaya dapat full force ka palagi sa lahat ng gagawin mo. Iginapang ko ang freshman year ko—luha, pawis at dugo ang inalay ko. Haha. Sangkatutak na lakwacha at gimik din ksai ang isinakripisyo ko. Dito ko naranasang magpuyat na literal, walang sinabi ang Masci. Dito ko naranasan magbasa ng sampung chapters sa isang gabi, mag-aral ng kinatay na palaka sa gitna ng hating gabi. Makatabi sa pagtulog ang mga buto ng palaka, magsulat at magsayang ng ilang yellow pad para lang gumawa ng reviewers. Ilang gtec din ang nagbuwis ng tinta at ilang stress tabs ang nalaklak ko na para magmuka pa ring tao kinabukasan pagpasok ko. Dito ko nakilala si St. Jude na dasalan ng mga desperado, St. Anthony na dasalan ng mga nawawalang bagay, Mary Seat of Wisdom na dasalan bago mag exam at marami pang iba.
Dahil sa ROTC, kailangan kong idoble ang lahat ng efforts ko. Todo na ‘to. Pero masaya kasi nasa Special Brigade ako, Medics. Laging may aksyon. Kame rin ang tinatawag na “Early to arrive and late to go”—anu daw?? Pag Sunday, minsan sa uste na namin nasisilayan ang sunrise at sunset. Pero okay lang kasi wala kang ibang gagawin kundi maghintay ng mahihimatay o kaya’y mamumutla sa gitna ng field. Bawal kang mahilo kaya dapat laging may helmet kahit muka ka nang tanga. Masaya kasi ang dami kong nakilalang kaibigan don. Minsan winish ko din na sana hindi nagbreakfast ung crush kong cadete para mahimatay naman xa. Pero joke ko lang un dahil wala kang makacrushan lalo na kung lahat sila ang tingin sa Medics ay taga bili ng tubig at pagkain! Pero masaya pa rin, walang sinabi ang CAT ko sa Masci. Dito bawal kang gumalaw kahit nangangati na ung ilong mo. Bawal himatayin kahit feeling mo mamamatay ka na dahil isang pagkakamali mo, squatras ang aabutin ninyong lahat. Dito mo mararanasang magkaron ng sandamakmak na demerits sa hindi mo malamang dahilan pero kailangan mo munang mamatay para magkaron ng merits. Ayus. Dito ko rin naranasang mag alay lakad kahit madaling araw pa lang. Dito ko rin naranasan gumising ng 3 ng umaga para lang hindi ma-late sa call time. Sa loob ng mahigit 30 training Sundays, memoryado ko na ang ichura ng field at kahit nakapikit alam ko kung nasan ako. Dito ko naexperience na mag-aral ng Chemistry sa ilalim ng matinding sikat ng araw o sa gitna ng malakas na bagyo. Bawal ang maarte. Bawal ang mabagal kumilos. Bawal ang maikli ang pasensiya. Bawal ang tamad. At higit sa lahat, bawal ang hindi nag-almusal.
Masaya ‘ko kasi tapos na ang lahat ng iyon. Wala na ‘kong kailangan gawin kundi magfocus sa pag-aaral ko next year. Pero kahit nahirapan ako namimiss ko pa rin un kahit pano. Madami kasi akong natutnan at naexperience na alam kong hindi na mauulit kahit kalian. Kahit feeling ko mali ung desisyon kong mag-ROTC non eh okay lang, yakang yaka, ako pa eh gusto kong laging may aksyon ang buhay ko.
Dito ko sa uste unang narinig ang term na Markonickov’s Rule, Fischer Projection Formula, Mutarotation, Galactosemia, decarboxylation, Eiconasoids, Zwitterion, Lassaigne’s Method, Beilstein Test, Metarhodopsin at kung anu pang anik anik na hindi ko alam kung sinong nakaimbento pero pilt kong isinaisip at isinapuso. Laging “highly acidic” o below 7 ang pH ng mga scores ko sa post test sa Chem Lab kaya hindi na ‘ko nagtataka kung bakit naka 78 ako minsan. Kahit pilit kong eksaktohin ang mga measurement ng chemicals na ginagamit ko e palpak pa rin at laging madugo ang Lab Protocol ko. Sanay na ‘ko dun, ganun talaga eh.
ITO ANG BSN I-1 NA KARAMAY KO SA LAHAT NG HIRAP SA USTE!!
Naging mabait din naman ako dahil sa Contexualized Salvation History o ang Theology. Dahil kay Sir Abner Calara Manaloto na pilit na ginagawang pang Maalaala Mo Kaya ang buhay eh nakilala ko lahat ng propeta sa Bible hanggang sa mga unang persecutors sa mundo—mula kay Nero hanggang kay Diocletian. Sanay na rin akong mambola sa mga essay na pinapagawa niya. Pambihirang Theology, balak yata akong gawing anghel.
Hindi ko rin makakalimutan ang Zoology lalo na nung nakilala ko si Lucky at si Charm. Si Lucky ung palakang nagbuwis ng buhay para lang makatapos ako ng 1st year. Siya ung binalatan, kinatay ko’t dahan dahang tinurukan ng sandamakmak na makukulay na pins para lang mamemorize ko ang bawat bahagi niya. Si Charm naman eh minahal ko pa rin at pininturahan nang makulay kahit fossils na lamang siya. Nagpapasalamat ako sa kanila dahil ilang Practical Test din ang naperfect ko dahil sa kanila.
Isa rin sa mga peborit ko ang Philosophy. Kahit minsan lang pumasok si Sir Tadle sa’min, marami akong natutunan sa Logic at talagang enjoy lalo na kung tipong common sense at tuwid na logic lang kailangan mo para makapasa. At kahit pilosopo ako nahirapan din ako. Hindi ko makakalimutan ang Traditional Square of Oppositions na dalawang oras bago mag exam ko lang natutunan. Awa ng Diyos, minsan lang sa buhay ko ang Philo.
Hindi ko rin pwedeng makalimutan si Sir Jayvee Ignacio. Dahil ilang araw mag exam ay chaka niya lang kame bibigyan ng isang libro para imemorize. hindi ko ma-reach ang level niya dahil limang beses na daw niyang nabasa ang Summa Theologica ni Sto. Thomas. Memoryado niya bawat salita sa bawat pahina. ‘tot niya. Kung anu anong pahirap ang pinagawa niya sa’min lalo na ang mga debateng pilit niyang ipinagawa sa amin pero masaya ‘ko dahil naging maganda ang team work namin non. Masaya rin ako dahil may plus 10 sa recitation pumunta ka lang sa Paskuhan!
Hindi ko makakalimutan lahat ng naging subjects ko at lahat ng naging professors namin. Bawat subject kinasuklaman ko pero minahal ko rin kahit papano. Kung iisa isahin ko pa, sa sobrang ganda eh baka next sem eh kaklase na kita. Masaya ko kasi tapos na ung unang step ng paghihirap ko. Hihintayin ko na lang lahat ng aksyon na mae-experience ko sa mga susunod pang taon. Tapos na physical exam namin nung May 8 at enrolment na sa May 31.
Sa ngayon hanggang dito na lang muna ung kwento ko pero excited na ‘ko para sa mga susunod na chapters ng buhay ko. Last na—kung tatanungin mo ‘ko kung saang part ng hospital ko gustong laging mag duty, sa Delivery Room ang sagot ko. Kasi dun alam mong hindi tumitigil ang pagdating ng mga anghel dito sa lupa. Alam kong maraming challenges na dadating pero ready na ‘ko dun. Handa na ‘ko sa mas matitindi pang luhaan at puyatan. Ako pa? E gusto ko laging may aksyon ang buhay ko.\m/